ALAMINOS CITY, Pangasinan - Nababahala ang pamahalaang lungsod sa pagkaunti ng tourist arrivals sa Hundred Islands National Park (HINP), na nabawasan ng mahigit 50 porsiyento.

Sa panayam kahapon kay Solomon Tablang, OIC ng local tourism department, noong Abril hanggang Hunyo ay umabot pa sa 72,000 ang bumisitang lokal at dayuhang turista sa lugar, pero nitong Agosto at pagpasok ng Setyembre ay nasa 13,000 na lang ang tourist arrival.

Aniya, malaki ang epekto ng usapin sa kampanya kontra droga, bukod pa sa pananalasa ng bagyo at habagat.

Gayuman, tiniyak ni Tablang na makababawi rin ang HINP sa Oktubre. (Liezle Basa Iñigo)

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar