Humiling ng maliit na badyet si Vice President Ma. Leonor ‘Leni’ Robredo para sa kanyang tanggapan, at sa loob ng tatlong minuto, aprub agad ito sa Senado.

Hindi naman nakadalo sa budget hearing si Robredo dahil may biyahe ito sa Pagadian City, bilang bahagi ng kanyang anti-poverty programs.

“We have sent the budget proposal beforehand and in our presentation for why that was the budget proposal, so we are confident that they went through it and we are really very grateful to them for being supportive to the Vice President and to her advocacies,” ani Boyet Dy, Chief of Staff at Undersecretary ni Robredo.

Umaabot sa P428.6 milyon ang panukalang badyet ni Robredo para sa 2017, mas maliit ng 14.28 percent sa P500 milyong pondo ni dating Vice President Jejomar Binay. (Raymund F. Antonio)

National

Ilocos Norte, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol