Pinugutan muna ng isang anak ang sarili niyang ama bago niya tinadtad ang paa at kamay nito sa bayan ng Jamindad sa Capiz, iniulat ng pulisya kahapon.

Ayon sa Jamindan Municipal Police, mismong anak ni Jose Ocate, 60, na si Nick Ocate ang pumatay sa kanya sa Barangay Agcagay, Jamindan.

Sinabi ng pulisya na kumakain ng tanghalian ang matanda nang biglang dumating ang suspek at naglitanya ng panunumbat sa ama.

Minabuti naman ni Jose na iwasan ang anak kaya lumabas na lang siya ng bahay, ngunit hinabol siya ng anak na armado ng itak.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Naabutan pa ng mga pulis ang suspek habang bitbit ang ulo ng ama.

Kakasuhan ng parricide si Nick, na nakakulong na ngayon. (Fer Taboy)