Limang umano’y tulak ng droga ang magkakasunod na inaresto sa mga ikinasang operasyon ng pulisya sa Benguet, Nueva Ecija at Sultan Kudarat sa nakalipas na mga araw.

Magkasunod na nadakip sa buy-bust operation ng pulisya at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang kapwa leader ng local drug group na sina Rashid Amito Lazim, 41, tubong Marawi City at nakatira sa La Trinidad, Benguet; at Abdullah Lumano Mangoranca, 33, ng Central Fairview, Baguio City.

Setyembre 10 nang maaresto si Lazim sa harap ng kanyang bahay matapos magbenta umano ng tatlong pakete ng shabu, nasa 15 gramo; samantala kinabukasan naaresto si Mangoranca na nagbenta naman ng 42.92 gramo (P215,673) ng shabu.

Magka-live-in naman ang naaresto sa buy-bust sa Purok Lanzones, Barangay Concepcion, General Tinio, Nueva Ecija nitong Lunes ng umaga na sina Benedict Pacuribot y Estrella, 27; at Charmaegne Gregorio y Bacani, 24 anyos.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Sa pamamagitan ng search warrant ay matagumpay na naaresto ng pulisya at PDEA kamakailan, sa Purok Rosas, Bgy. Poblasyon, President Quirino, Sultan Kudarat si Amar Malabang, nasa hustong gulang, may asawa, at residente sa lugar.

Nakuhanan umano ng tatlong malalaking sachet ng shabu si Malabang. (Rizaldy Comanda, Light Nolasco at Leo Diaz)