NEGROS ORIENTAL – Kinumpirma ng Mines and Geosciences Bureau (MGB)-Region 7 na 218 barangay sa Negros Oriental ang may geological hazards, batay sa assessment at mapping ng ahensiya.

Agad namang naglunsad ang MGB-7 ng malawakang information drive na pumupuntirya sa nasabing bilang ng mga barangay na nasa mga bayan ng Jimalalud, Tayasan, Ayungon, San Jose, Sibulan, Zamboanguita, Dauin, Bacong, Valencia at Dumaguete City, upang ipabatid sa mga residente na ang kanilang lugar ay tinukoy na geological hazards.

Ang isang lugar na may geological hazards ay delikado sa landslide na dulot ng malakas o walang tigil na ulan, at pagbabaha. (Mars W. Mosqueda, Jr.)

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito