ILOILO CITY – Tatlong kaso na ng Zika ang naitala sa bansa ngayong taon, matapos makumpirma kahapon ang dalawang bagong pasyente.

Setyembre 5 nang ihayag ng Department of Health (DoH) ang unang kaso ng Zika sa bansa ngayong 2016, at kahapon, kinumpirma ng kagawaran ang dalawang panibagong kaso.

Natukoy ng Epidemiology Bureau ng DoH na ang dalawang bagong pasyente ay kapwa kasama sa bahay ng unang 45-anyos na dinapuan ng Zika na taga-Iloilo City.

Ito, ayon sa DoH, ang unang kaso ng Zika na naihawa sa bansa.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Sinabi ni Dr. Jessie Glen Alonsabe, chief epidemiologist ng DoH-Region 6, na ang dalawang bagong pasyente ng Zika ay bahagya nang nagpakita ng sintomas, maliban sa mild skin rash, at hindi rin kinakailangang dalhin sa ospital.

Ipinag-utos naman ni DoH Secretary Paulyn Jean B. Rosell-Ubial ang pinaigting na kampanya laban sa nasabing sakit na dulot ng kagat ng lamok. (Tara Yap)