CAMP RAFAEL C. RODRIGUEZ, Butuan City – Ipinag-utos kahapon ni Police Regional Office (PRO)-13 Director Chief Supt. Rolando Felix ang pagsibak sa puwesto sa 19 na hepe ng pulisya na bigong makatupad sa patakarang itinakda sa kampanya ng pulisya laban sa droga.

Kabilang sa mga sinibak sa puwesto ang mga hepe sa mga bayan ng Jabonga at Las Nieves sa Agusan del Norte; La Paz sa Agusan del Sur; Cagdianao, Libjo at Loreto sa Dinagat Islands; Alegria, Bacuag, Malimono, San Benito, Burgos, Claver, Del Carmen, Gigaquit, Tubod at Sta. Monica sa Surigao del Norte; at Tandag, Cagwait at Cantilan sa Surigao del Sur.

“As a result of our validation on the performance of our chiefs of police in the implementation of Project Double Barrel as August 15, 2016, 19 out of 77 police stations performed below par,” sinabi kahapon ni Felix sa Balita.

Batay sa record ng PRO-13 regional command and tactical operations division, may kabuuang 419 na katao ang nadakip; 19 ang nanlaban at napatay sa police operations; at P40,419,029 halaga ng droga ang nakumpiska nitong Hulyo 1-Setyembre 12 sa Caraga.

Probinsya

Lolang bibisita sa City Jail, timbog matapos mahulihan ng ilegal na droga

Nasa 34,210 adik at 1,664 na tulak naman ang sumuko sa mga himpilan ng pulisya. (Mike U. Crismundo)