TAIPEI (PNA/Xinhua) – Hinagupit ng bagyong ‘Meranti’ noong Miyerkules ang Taiwan at nawalan ng kuryente ang 117,666 kabahayan, ayon sa Taiwan Power Company.

Dakong 9:58 ng umaga nang maputol ang kuryente dahil sa malakas na hangin at ulan. Pinakamatinding naapektuhan ang Pingtung County sa timog ng isla kung saan may 91,000 kabahayan ang naputulan ng kuryente.

Kinansela ang bihaye ng eroplano, isinara ang mga paaralan at nagkabuhol-buhol ang trapik sa daan.

Naglabas ang meteorological agency ng Taiwan ng land at sea warning para sa bagyo, na tatama sa 13 bayan at lungsod sa katimugan at silangan, kabilang na ang Kaohsiung, Taitung at Hualien.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina