Iniulat kahapon ng World Health Organization (WHO) na isang tao kada 40-segundo ang namamatay dahil sa suicide o pagkitil sa sariling buhay sa buong mundo.

Sa isang pulong balitaan kasabay ng World Suicide Prevention Day, iniulat din ng WHO na noong 2012 lamang ay may 804,000 katao sa buong mundo ang nagpakamatay.

Sa Pilipinas, tinatayang 2,009 ang mga lalaking nagpatiwakal at 50 naman ang mga babae, ngunit ayon kay Health Secretary Paulyn Jean Rosell-Ubial, pinakamababa pa rin ang suicide rate ng Pilipinas sa buong Asia.

Sa kabila nito, nakipagtuwang ang DoH sa Natasha Gouldbourn Foundation at Globe upang ilunsad ang HOPELINE 24/7 suicide prevention and emotional crisis lines para tulungan ang mga depressed na Pinoy, na malaki ang tsansang magpatiwakal.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ang HOPELINE ay phone-based counselling service na bukas 24-oras, sa loob ng pitong araw, para magbigay ng tulong sa mga taong nawawalan ng pag-asa sa buhay.

Ipinaliwanag ng kalihim na nagpasya silang magbukas ng 24/7 hotline matapos matukoy na isa ang mental health sa tinatawag na triple burden disease.

Ang mga problemadong indibidwal ay maaaring tumawag sa mga numerong 02-804-HOPE (4673), 0917-558-HOPE(4673) at 2919 na toll free number. (MARY ANN SANTIAGO)