Ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pag-alis sa tropa ng Amerikano sa Mindanao, dahil wala umanong kapayapaan hangga’t ang mga dayuhan ay nasa nasabing lugar.
“Kaya ‘yung mga Special Forces, they have to go. They have to go. In Mindanao, maraming mga puti doon,” ayon sa Pangulo.
“For as long as we stay with America, we will never have peace in that land. We might as well give it up,” dagdag pa nito.
Ipinakita rin ng Pangulo sa oath taking ang mga larawan ng masaker ng Filipino Muslims na isinagawa ng US military noong 1900s.
Bukod dito, nag-aalala rin umano ang Pangulo sa kaligtasan ng mga Amerikanong sundalo dahil maaaring maging target ang mga ito ng murder o kidnap for ransom.
“Kapaag nakakita ng Amerikano ‘yan, patayun talaga iyan. Kukunan ng ransom iyan, patayin iyan,” ayon sa Pangulo.
Genalyn Kabiling