Hindi na umano nakayanan ng isang ginang ang pambubugbog ng kanyang asawa, kaya sinaksak niya ito hanggang sa mapatay sa Toril, Davao City.

Nahaharap sa kasong parricide si Lilibeth Nonog, 39, matapos niyang mapatay si Reynaldo Nonog, 47, ng Purok 10, Sitio Magsaysay, Barangay Catigan, Toril District, Davao City.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, nangyari ang insidente dakong 11:30 ng gabi nitong Linggo sa bahay ng mag-asawa.

Lasing umanong dumating sa bahay si Reynaldo at nadatnang kumakain ng hapunan ang biktima. Nagkaroon ng pagtatalo ang dalawa, na nauwi sa pananakit ng suspek sa asawa.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Lumaban umano ang babae hanggang masaksak ang mister, na agad na nasawi. (Fer Taboy)