Nagpapasaklolo na ang traffic at transport officials sa University of the Philippines- National Center for Transportation Studies (UP-NCTS), kung papaano nila ima-manage ang 2.5 milyong sasakyan sa Metro Manila, isang dahilan kung bakit masikip ang daloy ng trapiko.

Sasailalim sa tatlong araw na seminar ang mga opisyal ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG), at Department of Transportation (DOTr) sa Miyerkules, kung saan aalamin kung papaano magkakaroon ng vehicle reduction programs.

Ayon kay PNP-HPG spokesperson Superintendent Elizabeth Velasquez, kabilang sa opsyon ang pagpapatupad ng odd-even scheme at carpooling programs.

“Vehicle volume is the main cause of traffic in Metro Manila’s major thoroughfares. When there is stalled vehicle, when accidents happen there is a domino effect on traffic. We want a faster response and investigation in these kinds of situations that are contributors to traffic problems,” ayon kay Velasquez.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Ang workshop ay idaraos sa UP-NCTS sa Setyembre 14,15 at 16.

Lahat ng panukala ay isusumite sa Department of Transportation (DoTr), na in-charge sa traffic management sa Metro Manila.

“We hope to crop up vehicle reduction programs after laying down all our suggestions,” ayon kay Velasquez.

Base sa rekord ng MMDA, 90 porsiyento ng mga sasakyang dumadaan sa Epifanio Delos Santos Avenue (Edsa) ay mga pribado, samantala 10 porsiyento naman ang public utility vehicles. (Anna Liza Villas-Alavaren)