Setyembre 13, 1985 nang i-release ang video game na Super Mario Bros. sa Japan. Mahigit 40 milyong kopya ng laro, na kasabay ng Nintendo Entertainment System console, ang ibinenta sa iba’t ibang bansa.

Ito ang unang laro na gumamit ng Mushroom World bilang background, at mas magiging malaki at malakas si Mario sa tuwing nakukuha niya ang super mushroom. Binuo ng Nintendo composer na si Koji Kondo ang soundtrack ng laro, na napakinggan sa Billboard ringtone charts sa loob ng 125 linggo.

Sinimulan ni Shigeru Miyamoto, na naging Nintendo graphic artist noong 1977, ang Mario series sa unang bahagi ng 1980s. Si Mario ay unang tinawag na Jumpman, ngunit in-assume ang kanyang kasalukuyang pangalan nang maisipan ng Nintendo’s American office na palitan ng mas kaaya-aya.

Si Mario ay naging karpintero bago nakilala bilang tubero. Ngunit siya ay isang doktor sa 1990 puzzle game na Dr. Mario.

Trending

'Say aahh' Lalaking nag-aapply ng trabaho, sinubuan habang nasa online interview