ISULAN, Sultan Kudarat - Siga at sipsip. Ito umano ang dahilan kung bakit pinagsasaksak at gilitan ang isang construction worker ng dalawa niyang katrabaho sa Purok 9, Barangay Dansuli, Isulan, Sultan Kudarat.

Agad na nasawi si Ronilo Deoquiña y dela Cruz, 50, residente ng Banga, South Cotabato, ayon kay Chief Insp. Rodney Benoya, ng Isulan Police.

Naaresto naman ang magkapatid na suspek na sina Deding at Pido Larito, ng Bgy. Laguilayan, Isulan.

Sa paunang imbestigasyon ng pulisya, galit umano ang magkapatid na suspek sa biktima dahil sa ugali nito sa kanilang trabaho. Natutulog ang biktima nang pagsasaksakin ng magkapatid, kinaladkad sa labas ng bahay at doon ginilitan.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

(Leo P. Diaz)