Patuloy ang paalala ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) sa publiko na laging tandaan ang mga paalala ng ahensiya upang makaiwas sa mga illegal recruiter na hindi tumitigil sa pambibiktima ng mga nagnanais magtrabaho sa ibang bansa.
Ilan sa laging ipinapaalala ng ahensiya na mga bawal mangalap o mag-recruit ng mga tao ay ang mga nag-aalok ng trabaho sa ibang bansa na idinadaan sa mga sumusunod: travel agency, immigration consultancy, at visa consultancy.
Lagi umanong tandaan na iwasan at tanggihan ang mga alok na trabaho mula sa mga ito.
Natuklasan na halos lahat ng dumadaan sa ganitong pangangalap ng mga manggagawa ay nauuwi sa kapahamakan.
Kasabay nito, pinag-iingat din ang publiko sa mga peke o kunwaring FB page ng POEA na ginagamit ng mga illegal recruiter.
Dalawa lamang ang totoo at opisyal na POEA FB page: @mypoea at @poea.official. (Mina Navarro)