Tatlong beses pinabulagta ni Filipino knockout artist Romero “Dynamite” Duno si Thai Paiboon Lorkam upang magwagi via 2nd round technical knockout at matamo ang WBC ABCO super featherweight title nitong Sabado sa Tupi Municipal Gym sa Tupi, South Cotabato

Sa unang round pa lamang, napabagsak kaagad ni Duno si Lorkan na mas kilala sa Pilipinas sa alyas na Maxsaisai Sithsaithong, pero nakabangon ito at nakipagsabayan kahit halatang hilo.

Sa ikalawang yugto ng laban, dalawang beses pinabagsak ni Duno si Lorkam kaya napilitan si referee Ramuel Ovalo na itigil ang laban at ideklarang bagong regional champion ng WBC ang Pilipino.

Napaganda ni Duno ang kanyang rekord sa 11-1-0, tampok ang 10 knockouts at inaasahang papasok siya sa WBC rankings.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Sa undercard ng laban, nanalo rin ang Pilipinong si Reymart “Assassin” Gaballo via 1st round knockout laban kay Thai Manot Comput na dati nang lumalaban sa Pilipinas sa alyas na Yodpichai Sithsaithong para matamo ang bakanteng WBC ABCO super bantamweight belt. (Gilbert Espena)