URBIZTONDO, Pangasinan - Napatay ng isang suspendidong pulis ang sarili niyang ama, habang sugatan ang dalawa pa niyang kaanak, matapos siyang mamaril sa Sitio Bonol, Poblacion, sa bayang ito.

Sa ulat ng Urbiztondo Police, nabatid na nangyari ang insidente dakong 6:35 ng gabi nitong Linggo sa Sitio Bonol, Poblacion.

Kinilala ang suspek na si PO1 Elden dela Cruz, suspendidong operatiba ng Sual Police, na nagpaulan ng bala habang nakikipag-inuman sa kanyang mga kapamilya.

Kinilala ang namatay na si Conrado Dela Cruz, ama ng suspek, habang sugatan naman ang kapatid ng huli na si Nelson dela Cruz, at pamangking si Kimrex dela Cruz.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Isinugod sa pagamutan ang dalawa, habang patuloy pang tinutugis ng awtoridad ang suspek.

Ayon sa inisyal na report, kalasingan at sama ng loob sa pamilya ang ugat ng krimen. (Liezle Basa Iñigo)