Inakusahan ng netizens ang gobyerno ng pagtatangkang baguhin ang kasaysayan tungkol kay dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.

Agad na dumepensa si Presidential Communications Office Assistant Secretary Ramon Cualoping III at nilinaw na hindi binabago ng Official Gazette ang kasaysayan at wala itong kinikilingan na anumang grupong politikal.

“The Official Gazette of the Republic of the Philippines is the repository of government documents as stated by law.

We are not in the business of revising history. We only convey what is documented in the official records,” wika ni Cualoping.

Probinsya

Coast Guard working dog, sinaluduhan sa paghanap sa isa sa mga katawan sa Binaliw landslide

“We continually update materials to keep them as historically accurate as possible. The Official Gazette of the Republic of the Philippines is devoid of any political color and affiliations,” dagdag niya.

Nagsimula ang kontrobersiya nitong Linggo nang magpaskil ang Official Gazette, ang state journal, ng artikulo sa Facebook tungkol kay Marcos upang markahan ang ika-99 na kaarawan ng dating lider ng bansa.

Sinabi ng state journal na idineklara ni Marcos ang Martial Law “to suppress a communist insurgency and sessionism in Mindanao.” Ayon dito, “Marcos stepped down from the presidency to avoid bloodshed during the uprising that came to be known as ‘People Power.’”

Inulan ng mga negatibong batikos ang post tungkol kay Marcos mula sa mga dating opisyal ng Palasyo at ilang netizens sa diumano’y pagbabago sa kasaysayan ng martial law, dahilan para ilang beses na baguhin ng PCO ang caption.

Kalaunan ay personal na humingi ng paumanhin si Cualoping dahil sa kontrobersiya.

“This is a learning lesson for us and we will improve accordingly based our efforts towards a streamline national communication policy,” aniya. (Genalyn D. Kabiling)