Para kay coach Vergel Meneses, tagos sa puso ang panghihinayang ng Jose Rizal University Heavy Bombers sa 89-80 kabiguan sa double overtime kontra sa Perpetual Altas nitong Biyernes.

Ang kabiguan ay naglagay sa kanila sa alanganin para makausad sa Final Four.

“Ito yung pinakamasakit [na talo] talaga,” pahayag ni Meneses. “Okay lang yun sa EAC, makikita the whole game na maganda ang nilaro ng EAC.”

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

“Ito naman almost a won ball game na.”

“Sa akin hindi ko na palulusutin ‘yun. Patayan na ‘yan. Sayang lang talaga,” aniya.

Halos hawak na ng JRU ang panalo matapos lumamang ng 64-57 may nalalabi na lamang na 1:27.

Ngunit, nagtamo ng back-to-back turnover sina Tey Teodoro at Paolo Pontejos na nagresulta sa 7-0 blast ng Altas, tampok ang three-pointer ni GJ Ylagan para maipuwersa ang overtime.

“We’re up by seven with 1:25 to go. Uubusin na lang niyan yung oras,” ani Meneses. “If you made a mistake, pagbaba, defensive stop na lang.”

Buhat sa pagiging bayani, dalawang krusyal na turnovers ang nagawa ni Teodoro at pinuwersa pa nito ang kanyang mga baskets sa huling yugto ng laro na nagresulta sa kanilang pagkabigo.

“Hindi ko masagot… pero poor decision making on the part of Teodoro,” ani Meneses.“Doon nagsimula ‘yun.”

May nalalabi na lamang tatlong laro, nanganganib ang JRU na hindi umabot ng Final Four sa unang pagkakataon mula noong 2013. (Marivic Awitan)