SEOUL, South Korea (AP) – Sinabi ng isang opisyal ng South Korea na may kakayahan ang North Korea na magsagawa ng isa pang nuclear test anumang oras sa isang hindi nagamit na tunnel sa atomic test site ng bansa.

Ito ang komento ni Defense Ministry spokesman Moon Sang Gyun noong Lunes tatlong araw matapos magsagawa ang North Korea ng ikalimang atomic bomb test.

Iniulat ng Yonhap news agency ng South Korea, binanggit ang isang impormante sa Seoul government na mayroong ebidensya na natapos na ng North ang panibagong test preparations sa isang tunnel sa Punggy-ri test site.

Internasyonal

Mga motorista sa China, ‘naulanan’ ng dumi ng tao mula sa isang sumabog na pipeline