Dalawang foreign ambassador ang tumiyak na tutulong ang kanilang mga bansa sa Department of Interior and Local Government (DILG), partikular na sa kampanya nito sa peace and order, disaster management at anti-illegal drugs.

Ayon kay DILG Secretary Ismael Sueno, sa kanilang courtesy call, sina Ambassadors Thierry Mathou ng France at Ali Ibrahim Malki ng Qatar, ay nagpahayag ng suporta sa mga programa ng pamahalaan na may malaking epekto at pakinabang sa taumbayan.

“I am very pleased that many countries have come forward to help the Philippines realize the much needed change and reforms in our country. This manifestation of support strengthens our resolve to carry on with our mandate of ridding this country of illegal drugs with stronger passion and commitment,” ani Sueno.

Nais ng French government na pumasok sa Memorandum of Understanding (MOU) para sa disaster risk management at pagpapalakas sa MASA-MASID project, na aktibo ang mga barangay.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Sinabi ni Mathou na handa ang French government na magbigay ng technical at financial assistance hanggang P5 million euros para sa mga nasabing proyekto.

Sa panig naman ng Qatar, inihayag ni Malki ang intensyon ng Qatari government na tumulong sa anti-drugs campaign at all-out-war ng pamahalaan laban sa Abu Sayyaf Group (ASG).

Gusto ring tumulong ng Qatari government sa pagkakaroon ng peace deal sa pagitan ng Malacañang at Moro Islamic Liberation Front (MILF). (CHITO A. CHAVEZ)