IPINAGMAMALAKI at puring-puri ni Guy Lodge si Charo Santos-Concio sa kanyang excellent performance sa pelikula ni Lav Diaz na Ang Babaeng Humayo.

Tiniyak ng UK film critic for American entertainment trade magazine na Variety na malakas ang laban ng dating presidente ng ABS-CBN sa upcoming 89th Academy Awards. 

Ipinost ni Mr. Lodge ang kanyang prediction sa kanyang Twitter account nitong nakaraang Linggo. 

“It’s Santos-Cancio’s soft-skinned but seething performance that must see viewers through the film’s most challenging passages. She plays Horacia’s quiet resilience without making her a kind of impenetrable exemplar,” post ni Mr. Lodge.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Sa pagkakapanalo bilang best film ng Ang Babaeng Humayo sa Venice international filmfest, maging ang Malacañang ay nagpahatid ng pagbati sa grupo nina Lav Diaz, Charo Santos-Concio at John Lloyd Cruz.

“This triumph of Lav Diaz, an independent filmmaker described by the Irish Times as ‘a master of the Philippines,’ is the latest addition to the Philippines’ biggest ever haul of awards in this year’s A-list film festivals. Berlinale, Cannes, and now Venice, the luster of the world-class Filipino talent has continuously shone!” pahatid ni Mr. Martin Andanar, ang communications secretary ng administrasyon ni Pangulong Rody Duterte. (Ador Saluta)