Isang babaeng pitong-buwang buntis at kanyang kinakasama ang napatay ng mga pulis sa drug raid sa El Salvador City, Misamis Oriental kahapon, habang isang 16-anyos na babae at dalawang iba pa ang nasawi makaraang pagbabarilin sa kasagsagan ng kanilang pot session sa Cebu City, nitong Linggo ng umaga.

Iginiit ng El Salvador Police na nanlaban sina Mark Jones, 25; at Yvonne Tapales, 22, pitong-buwang buntis, tubong Lala, Lanao del Norte, ngunit kasalukuyang naninirahan sa Barangay Poblacion, El Salvador City.

Ayon sa police report, natutulog ang mag-asawa nang isagawa ang drug raid at paggising ng mga ito ay nakipagbarilan umano sa mga pulis, at nakumpiskahan ng hinihinalang shabu, isang .45 caliber pistol, at isang .22 caliber revolver.

Samantala, kasamang napatay ng hindi kinilalang dalagita ang magkapatid na Cesario Ibona, 45; at Ramon Ibona, 55, nang pasukin sila sa umano’y drug den at pagbabarilin sa Punta Princesa, Cebu City.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Nasamsam sa lugar ang ilang pakete ng shabu at drug paraphernalia.

Ayon kay Punta Princesa Police chief Senior Insp. Alvin Llamedo, bagamat iginigiit ng nobyo ng dalagita na inosente ito, si Ramon ay sumuko sa awtoridad kamakailan bilang kilalang tulak sa kanilang lugar, habang may kinahaharap namang kaso ng murder si Cesario. (Camcer Ordoñez Imam at Mars Mosqueda, Jr.)