Muling dinomina ng San Beda College ang swimming competition para maidepensa ang korona sa 92nd National Collegiate Athletic Association (NCAA) nitong weekend sa Rizal Memorial Sports Complex.

Muling iniuwi ng Red Lions ang titulo sa boys, seniors at women’s division sapat para maipagkaloob kay coach Gavino Dondon Roxas ang ‘Coach of the Year’ award.

Tinanghal na rookie of the year sa junior boy school si John Soriano ng Arellano University habang sa senior men si Luis Evangelista ng San Beda College. Kinilala sa senior women si Febbie Mae Porras mula rin sa Red Lions.

Iginawad naman ang Most Valuable Player sa junior class kay Miguel Karlo Barlisan ng La Salle Greenhills habang si Joshua Junsay ng San Beda sa seniors at napunta ang senior women title kay Maria Ares Lipat ng College of St. Benilde.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Nagtipon naman ang San Beda ng mga puntos sa Day 1 (181.5) at Day 1 Finals (181.5), Day 2 (161.5) at Day 2 Finals (174.5) at Day 3 (167) Day 3 Finals (171.5) para tipunin ang kabuuang 1037.5 para sa pangkalahatang kampeonato sa juniors.

Ikalawa ang LSGH-College Saint Benilde na may natipong 948.5 puntos, habang ikatlo ang Arellano University na may 286, ikaapat ang Colegio De San Juan De Letran (187), ikalima ang Lyceum OF The Philippines U (146.5), ikaanim ang Emilio Aguinaldo College (146).

Nasa ikapito hanggang ika-10 ang Jose Rizal University (130), University OF Perpetual Help (74), San Sebastian College Recoletos (22) at Mapua (15).

Nagtipon ang San Beda sa seniors men ng kabuuang 1,467 puntos upang iwanan ang pumangalawa na CSB (473.5) at AU (263). Ikaapat hanggang ika-10 ang SSCR (217.5), EAC (167), CSJDL (150), UPHSD (95), MIT (85), LPU (37) at JRU (10).

Malayo rin ang agwat ng Red Lioness sa natipong1300 kumpara sa pumangalawa na CSB (811.5) at ikatlong EAC (221.5).

Ikaapat hanggang ika-10 ang AU (180.5), LPU (154.5), MIT (108.5), JRU (65.5), CSJDL (44), SSCR (15) at UPHSD (8). (Angie Oredo)