PYONGYANG (AFP) – May 133 katao na ang namatay at daan-daan pa ang nawawala sa North Korea dahil sa matinding baha na ngayon lamang naranasan sa bansa.
Tinatayang 107,000 residente ang napilitang lumikas sa kanilang mga tirahan sa tabi ng Tumen River, ipinahayag ng UN nitong Lunes, binanggit ang bilang mula sa pamahalaan ng Pyongyang.
Inilarawan ng mga opisyal ng North ang ulan na nagpabaha sa mga lugar sa hilagang silangan malapit sa mga hangganan sa China at Russia na pinakamalala sa loob ng maraming dekada, at nagdulot ng matinding hirap sa mamamayan.
“The scale of this disaster is beyond anything experienced by local officials,” sinabi ni UNICEF deputy representative sa North Korea Murat Sahin, na bumisita sa binahang rehiyon nitong linggo. “Although the early warning system was triggered, the scale of the damage was unexpectedly high.”