Apat na lalawigan sa Northern Luzon ang apektado ng bagyong “Ferdie” nang pumasok ito sa Philippine area of responsibility kamakalawa ng gabi.

Sa weather bulletin ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), kabilang ang lugar ng Cagayan, Apayao, Batanes at Babuyan Group of Islands (BGI) sa isinailalim sa public storm warning signal (PSDWS) No. 1 ng naturang bagyong may international name na “Meranti”.

Binanggit ng PAGASA na lalo pang lumakas ang bagyo habang ito ay patungo sa pinakadulo ng hilagang Luzon.

Huling namataan ito sa layong 850 kilometro silangan ng Tuguegarao City sa Cagayan.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Taglay nito ang lakas ng hanging 175 kilometro kada oras, malapit sa gitna at bugsong hanggang 210 kilometro bawat oras.

Ngayong umaga, ang nasabing bagyo ay inaasahang nasa 425 kilometro silangan ng Aparri, Cagayan at sa Miyerkules ng umaga ay inaasahang ito ay nasa 105 kilometro kanluran-timog kanluran ng Basco, Batanes. (Rommel Tabbad)