ISTANBUL (AP) – Inihayag ng militar ng Turkey noong Linggo na 20 mandirigma ng grupong Islamic State ang napatay sa pag-atake ng kanilang warplanes sa hilaga ng Syria, kasabay ng muling pangako ng kanilang pangulo na dudurugin ang grupo.

Tinira ng warplanes ang tatlong gusali na tinukoy na pag-aari ng IS, ayon sa hepe ng General Staff’s office. Isang sasakyan at isang motorsiklo rin ang nawasak sa airstrike nitong Sabado ng gabi.

Muli namang ipinahayag ni President Recep Tayyip Erdogan ang pangako ng kanyang pamahalaan na uubusin ang IS sa Syria at susupilin ang banta ng grupo sa Turkey.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina