Sariwa mula sa kanyang solong pagwawagi sa 7-Stag Derby na ginanap sa Pasay City Cockpit nitong Septyembre 9, ang sikat na corporate endorser ng Thunderbird na si Engr. Sonny Lagon (Blue Blade Farm) ay muntik na namang magwalis sa Las Pinas Coliseum matapos magtala ng 5.5 puntos para sa isang solo runner-up finish sa 1st Leg ng 2016 UFCC Stagwars.

Naugusan lamang nang bahagya si Lagon ng Jade Red ni Arman Santos.

Gumagawa ng bagong kasaysayan noon pang 2015 stag season matapos na masolo ang AA Cobra 8-Stag Derby at masakop ang Circuit Two ng 2015 UFCC Stagwars, si Lagon ay nagtapos na runner-up sa labanan para sa titulo ng 2015 UFCC Stagfighter of the Year.

Nagpatuloy siya sa kampeonato ng 2016 World Slasher Cup noong nakaraang Enero sa kanyang mga tagumpay bilang tagapag-palahi at manlalaban ng mga manok-panabong sa pamamagitan ng isang pambihirang 8-0 sa isang entry at 7-1 naman sa isa pang entry para sa  isang muntik nang makasaysayan double championship.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Sa 2015-16 Cock Circuit ng Ultimate Fighting Cock Championships na kinapapalooban ng 16 na one-day-6-cock events at isang 7-cock derby, ibinulsa ni Lagon ang ilang leg championships at umarya para hirangin na UFCC Cocker of the Year.

Ipinagdiriwang ang kanyang ika-10 taon bilang Thunderbird’s top endorser, si Lagon na gumawa ng pangalan gamit ang kanyang mga hinahangaang Blue Blade Sweaters, ay idinagdag na ang kanyang sariling linyada na Blue Blade Machine Kelsos at Blue Blade Greys sa kanyang mga kinakatakutan panlaban.

Dapat din tandaan na si Lagon lamang ang pinaka-aktibong mananabong sa bansa na ang mga inilalaban ay mga manok na palahi at pinalaki sa kanyang sariling Blue Blade Farm.