BALETE, Batangas – Nag-post pa sa Facebook ng pamamaalam ang isang binata bago binigti ang sarili sa Balete, Batangas.

Nakabitin at napupuluputan ng extension wire sa leeg nang matagpuan sa harap ng banyo si Simon Gabriel Ramirez, 23, na inaalam pa ang dahilan ng pagpapakamatay.

Ayon sa report ni PO1 Jonathan Subol, dakong 5:30 ng umaga nitong Biyernes nang matuklasan ng ina ang pagpapatiwakal ng anak—na nag-post pa sa Facebook ng: “I’m dying, bye” bago nagbigti. (Lyka Manalo)

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar