Dahil sa lumalalang trapiko, ilang Quezon City councilors ang nagsusulong ng panukala na alisin na ang mga terminal at garahe ng provincial buses sa lungsod.

Sa ilalim ng “No Provincial Bus Terminal/Garage in Quezon City,” paluluwagin ang trapiko sa EDSA, na pinagsasaluhan ng anim na local government units, kabilang ang Quezon City.

Inihain ito nina Councilors Ramon “Toto” Medalla, Victor Ferrer, Jr. at Anthony Peter Crisologo.

Nakasaad sa panukala na hindi na papayagan ang provincial bus companies na magkaroon ng ticketing office sa QC, at hindi na rin papayagan ang mga bus na pumasok sa QC, kahit na ang rason ay pagpapa-repair, o safekeeping.

Romualdez, nanawagan sa Kamara: 'Let us reject baseless accusations!'

Sa unang paglabag, ang offenders ay pagmumultahin ng P3,000, sa ikalawang paglabag ay P5,000, at kanselasyon ng ‘permit to operate’ para naman sa ikatlong paglabag.

“Our commuters/riding public deserved a break from the daily agonies of heavy traffic. However, in serving our commuting public, we also have to take into account the interests of other stakeholders, like the bus operators,” ani Medalla.

Sa QC Council, marami pang mga panukala ang nakabinbin, kabilang dito ang pagdedeklara ng ‘no terminal zone’ sa EDSA. - Chito A. Chavez