CABANATUAN CITY - Tumaas ng P20 ang presyo ng ilang gulay mula sa Benguet at Bulacan.

Ang patatas na dating P60 kada kilo ay P80 na ngayon, ang Baguio beans na dating P50 ay P80 na, ang P50 na ampalaya ay P70 na ngayon, habang P90 na ang sitaw na dating P50.

Nagtaas din ng P10 ang kada kilo ng kamatis at repolyo.

Ayon pa sa dalawang bagsakan center sa Talavera at Cabanatuan City, ang isda, gaya ng tamban, ay P80 na mula sa dating P50; nasa P150 kada kilo ang Lapu-lapu na noon ay P60 lang; habang ang bangus at dalagang bukid na P100 per kilo noon ay P130 na ngayon.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Ayon kay Pepe Balagtas, mula sa Bantay-Presyo ng Sangitan Public Market sa lungsod, bahagya na ring tumaas ang presyo ng karneng baboy sa ilang pamilihan.

Aabot naman sa P250 kada kilo ang luya sa Ilocos at Bataan, mula sa dating P160, samantala sa ilang mall sa Cabanatuan, gaya ng Mega Center at Pacific Mall, ay nasa P240 ang bentahan ng kada kilo ng luya, mas mahal pa sa baboy at manok. (Light A. Nolasco)