NAGDIWANG ang kampo ni Dave Penalosa (ikalawa mula sa kanan) kabilang sina business manager Raymond Obcena,  JC Penalosa, at Japanese promoter  Kosuke Washio.
NAGDIWANG ang kampo ni Dave Penalosa (ikalawa mula sa kanan) kabilang sina business manager Raymond Obcena,  JC Penalosa, at Japanese promoter  Kosuke Washio.
NAGPAMALAS ng  lakas at katatagan ang sikat na pamilyang Penalosa   sa  boxing event  sa katatapos na Gemmalyn Crosby Sports Festival (GCSF)  sa SMX Convention Center.

“Ipagpapatuloy ko po ang laban ng pamilya Peñalosa sa boxing,” pahayag ni Dave Peñalosa, anak ni dating boxing champ Dodie Peñalosa.

Nanalo si Dave via unanimous decision.

Isa pang Peñalosa -- si Carlo Caesar --  ay namayani sa pamamagitan  ng 3rd round TKO.

Balitang Pag-Ibig

National Boyfriend Day? Ilang viral wedding proposals na inulan ng Sana-all!

“We continue to make alive the fighters of this great family. And we thank Gemmalyn Crosby for believing in us and supporting Filipino athletes,” pahayag ni Raymond Obcena, boxing promoter at partner ni Gerry Peñalosa, dating junior bantamweight at bantamweight titleholder.

Kaalyado si Gerry ng GCSF sa nakalipas na dalawang taon.

Si Crosby, unang  IFBB Pro na kinatawan ang Pilipinas, ay isang mixed martial artist at certified personal trainer. Ikinalugod niya ang matagumpay na kaganapan ng 2016 Filipino Fitness and Wellness Expo, ang  pinakamalaking sports event ng taon  na nagbibigay sa lahat ng atleta ng international exposure at pagkilala.

Nakapaloob sa multi-sport event ang pinakamahuhusay at makabagong kagamitan sa fitness, sports at  pangkalusugan.

“Athletes, sports enthusiasts and celebrity guests from all around the Philippines and the world participated in the events that included Filipino Martial Arts & Arnis Championships, Bodybuilding Championships, Karatedo Championships, Arnis Best of the Best of the Philippines, Filipino Martial Arts, Table Tennis Games and Exhibitions, Yoga Classes, Boxing, Zumba and much more,” pahayag ni Crosby.

Ang  iba pang  mga nanalo sa boxing event ay sina:Wowie Campos (decision), Khurvin John Natuplag (1st Rd TKO), Ryan Sermona (1st Rd TKO), Robin Dingkong (decision), Pedro Taduran Jr. (3rd TKO), Claudivan Sese (decision, Falcon Ocaña (decision, at Drian Lirasa.