“Ipagpapatuloy ko po ang laban ng pamilya Peñalosa sa boxing,” pahayag ni Dave Peñalosa, anak ni dating boxing champ Dodie Peñalosa.
Nanalo si Dave via unanimous decision.
Isa pang Peñalosa -- si Carlo Caesar -- ay namayani sa pamamagitan ng 3rd round TKO.
“We continue to make alive the fighters of this great family. And we thank Gemmalyn Crosby for believing in us and supporting Filipino athletes,” pahayag ni Raymond Obcena, boxing promoter at partner ni Gerry Peñalosa, dating junior bantamweight at bantamweight titleholder.
Kaalyado si Gerry ng GCSF sa nakalipas na dalawang taon.
Si Crosby, unang IFBB Pro na kinatawan ang Pilipinas, ay isang mixed martial artist at certified personal trainer. Ikinalugod niya ang matagumpay na kaganapan ng 2016 Filipino Fitness and Wellness Expo, ang pinakamalaking sports event ng taon na nagbibigay sa lahat ng atleta ng international exposure at pagkilala.
Nakapaloob sa multi-sport event ang pinakamahuhusay at makabagong kagamitan sa fitness, sports at pangkalusugan.
“Athletes, sports enthusiasts and celebrity guests from all around the Philippines and the world participated in the events that included Filipino Martial Arts & Arnis Championships, Bodybuilding Championships, Karatedo Championships, Arnis Best of the Best of the Philippines, Filipino Martial Arts, Table Tennis Games and Exhibitions, Yoga Classes, Boxing, Zumba and much more,” pahayag ni Crosby.
Ang iba pang mga nanalo sa boxing event ay sina:Wowie Campos (decision), Khurvin John Natuplag (1st Rd TKO), Ryan Sermona (1st Rd TKO), Robin Dingkong (decision), Pedro Taduran Jr. (3rd TKO), Claudivan Sese (decision, Falcon Ocaña (decision, at Drian Lirasa.