Ikinatuwa ng Philippine Sports Commission (PSC) ang lumalaking bilang ng mga lumalahok na kabataan, gayundin ang young professionals kasama ang kanilang magulang sa isinasagawang grassroots sports development at family oriented program na Laro’t-Saya sa Parke Play ‘N Learn.

Ang Laro’t-Saya sa Parke (LSP) ang programa ng ahensiya para maipakilala ang sports at makadiskubre ng mga talent sa sports na volleyball, arnis, chess, football, badminton, taekwondo, karatedo at Zumba.  

Samantala, umabot sa kabuuang 756 katao ang nakisali sa Laro’t-Saya sa Burnham Green sa Luneta Park partikular sa arnis (11), badminton (49), chess (20), football (52), karatedo (20), lawn tennis (26), volleyball (53), Zumba 500 at senior citizens (8).

Mayroon din na 362 katao ang nakilahok sa Laro’t-Saya sa Pinaglabanan Shrine sa San Juan saan sa arnis (24), badminton (43), football (11), taekwondo (17), volleyball (42), zumba (216) at senior citizen (9).

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Kabuuang 469 katao naman ang sumali sa Laro’t-Saya sa Parke Quezon Memorial Circle sa Quezon City saan sa zumba (396), senior citizen (13), chess (37), football (14) at badminton (9).

Kasalukuyan namang inihahanda ang muling paglulunsad ng programa sa Davao City, Iloilo City, Cebu City, Bacolod City, San Carlos City Negros Occidental, Province of Aklan, Saranggani Province, Vigan City Ilocos Sur at sa Kawit, Cavite. - Angie Oredo