Setyembre 12, 1993 nang muling buksan ang kagagawang Lacey V. Murrow Bridge sa Lake Washington sa Seattle. Ang orihinal na tulay, ang unang floating concrete bridge sa mundo, ay nasira dahil sa matinding baha noong Nobyembre 1990.

Pinagaan ng tulay ang daloy ng highway system, dahil maaari nang bumiyahe ang mga tao mula Boston hanggang Seattle habang namamalagi sa Interstate 90 road system.

Nagsimulang itayo ang tulay makalipas ang Disyembre 1938, na suportado ni dating Washington governor Clarence Martin at ni dating Washington Toll Bridge Authority director Lacey V. Murrow.

Ang istruktura, na pinalulutang ng mahigit 20 konkretong pontoon at may habang halos dalawang milya, ay tinawag ng Seattle Times na “the biggest thing afloat.”

Totoo bang nangangamatis ang bagong tuling ‘pututoy’ kapag nakita ng babae?

Ang istruktura ay binubuo ng 100,000 tonelada ng bakal, at noong 1989, nagsakay ng 100,000 sasakyan araw-araw.

Aabot sa $93 million ang nagastos sa pagpapagawa.