Pumanaw na si Greta Friedman, ang babaeng hinalikan ng isang sailor sa iconic picture na kinunan sa Times Square sa V-J Day noong 1945, ayon sa kanyang anak na si Joshua Friedman.

Sinabi ni Friedman na namatay ang kanyang ina sa isang assisted living home sa Richmond, Virginia sa edad na 92.

Naging isa sa hindi malilimutang imahe ang black-and-white na litrato ni Greta, nakasuot ng puting uniporme, na niyayakap at hinahalikan ng isang sailor upang ipagdiwang ang pagtatapos ng World War II.

Nasa Time Square noon ang 21 anyos na dental assistant na si Greta nang iaanunsyo sa billboard na sumuko na ang Japan sa United States, nagmamarka ng pagtatapos ng digmaan.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

“Suddenly, I was grabbed by a sailor,” salaysay niya sa Veterans History Project noong 2005. “It wasn’t that much of a kiss. It was more of a jubilant act that he didn’t have to go back.”

Inilathala ang litrato, kuha ng legendary photographer na si Alfred Eisenstaedt, sa Life magazine makalipas ang isang linggo. Ngunit nanatiling misteryo ang pagkakakilanlan ng dalawa.

Taong 1980 nang matukoy na sina Greta at George Mendonsa, ang sailor, ang magkapareha sa litrato.

“The reason he grabbed somebody dressed like a nurse, was that he felt so very grateful to the nurses who took care of the wounded,” paliwanag ni Greta sa Veterans History Project. - CNN