Ni Genalyn Kabiling

Ikinagagalak ng Malacañang ang tagumpay ng operasyon ng pulisya laban sa ilegal na droga, ngunit nag-aalala naman ito sa tumataas na kaso ng vigilante killings sa bansa.

Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar, inaasahan ng Palasyo ang mabilis na imbestigasyon sa mga hinihinalang summary executions ng drug suspects.

“We consider the police operations as a success but those deaths involving gang wars, wherein they eliminate each other, of course that is a cause for concern. That doesn’t fall under the ambit of the law,” ayon kay Andanar.

National

PCSO: 3 lucky bettors, instant milyonaryo sa SuperLotto 6/49 at Lotto 6/42

“The PNP has said all summary killings or deaths resulting from gang wars, these are under investigation,” dagdag pa nito.

Sa huling bilang ng Philippine National Police (PNP), umaabot na sa 3,000 ang napatay na drug suspects, mula nang umupo si Pangulong Rodrigo Duterte sa Malacañang.

Simula Hulyo hanggang Setyembre 10, umaabot na sa 1,466 drug personalities ang napatay sa police operations, samantala 1,490 naman ang drug-related deaths na iniimbestigahan ng mga awtoridad.

Umaabot na rin sa 16,000 drug suspects ang naaresto, samantala 700,000 drug dependents naman ang sumuko.