Posible umanong ang kagustuhan na mapalaya ang kinakasama mula sa magulo nilang relasyon ang dahilan kung bakit nagbigti ang isang lalaki sa Tondo, Manila kamakalawa.

Bangkay na nang madiskubre si Sigfred Sy Piecco, 25, cook, at residente ng 1320 Block 101, Carlos P. Garcia Street, Moriones, Tondo, Maynila.

Sa imbestigasyon ni SPO3 Milbert Balinggan, ng Crimes Against Persons Investigation Section (CAPIS) ng Manila Police District (MPD), nabatid na may matinding pagsubok na pinagdadaanan ang relasyon ng biktima at kinakasamang si Ranie, 25.

Bago umano magpakamatay si Sigfred, sinugatan na umano niya ang kanyang sarili gamit ang isang patalim.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Maya-maya pa’y kumuha na umano ng upuan ang biktima at binulungan ang kinakasama at sinabing malaya na ito, saka umalis.

Hindi naman umano ito pinansin ni Ranie at ipinagpatuloy na lamang ang ginagawa.

Pagsapit ng madaling araw, palabas umano ng bahay si Roderick, kapatid ng biktima, nang mapansin na may dalang lubid si Sigfred ngunit hindi naman umano niya inakala na may balak itong magpakamatay.

Nagulat na lamang umano si Roderick na sa kanyang pagbalik, makalipas ang 20 minuto, ay nakabitin na ang biktima sa kisame at wala nang buhay. (Mary Ann Santiago)