Pinakilos agad ni Quezon City Police District Police Sr. Supt. Guilor Lorenzo T. Eleazar ang Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) upang simulan ang imbestigasyon at hulihin ang suspek sa pamamaril at pagpatay sa kapatid ng aktres na si Maritoni Fernandez sa Quezon City, iniulat kahapon.

Base sa inisyal na imbestigasyon, patay na nang matagpuan si Moinihan y Fernandez, 45, ng No. 83 Ecology Village, Makati City.

Ayon sa CIDU, dakong 1:30 ng madaling araw nang makarinig ng limang putok ng baril si Christian Estoya, residente sa nasabing lugar.

Agad namang rumesponde ang mga awtoridad at mga barangay tanod at tuluyang bumulaga ang duguang bangkay ng biktima.

National

PBBM sa kapalaran ng ICI: 'They are really coming towards to the end!'

Sa salaysay ni Christian sa pulisya, namataan niya ang isang van na humarurot mula sa pinangyarihan na ayon sa CIDU, maaaring getaway car ng mga suspek. (Jun Fabon)