Maagang nakamit ng Arellano University ang kanilang layunin sa ginaganap na NCAA Season 92 seniors basketball tournament sa pamumuno ng kanilang ace pointguard Jiovani Jalalon .

Habang pinapanood ng kanyang kapamilya, nagpamalas ang 5-foot-10 na si Jalalon ng mala- MVP performance upang pamunuan ang Chiefs sa pag usad sa Final Four round.

Ito ang dahilan upang makamit niya ang ACCEL Quantum/3XVI-NCAA Press Corps Player of the Week citation.

Ipinakita ni Jalalon na hindi lamang siya mahusay na playmaker nang isalansan ang 15 sa kanyang season-high 33 puntos sa fourth period para giyahan ang Arellano sa 78-75 panalo kontra Lyceum noong Martes.

Another gold! Hidilyn Diaz, isa nang guro sa UP Diliman

Sinundan niya ito ng isa pang all-around performance sa kanilang 83-74 panalo laban sa Letran noong Biyernes kung saan naiposte niya ang 22 puntos, 14 rebound at walong assist.

Dahil dito, umusad ang Chiefs sa Final Four taglay ang markang 12-3.

“Sobrang saya ko lang kasi nakabalik na kami sa Final Four,” pahayag ni Jalalon.

Nabigyan din siya ng karagdagang inspirasyon nang kanyang magulang na sina Vicente at Jocelyn na lumuwas pa ng Manila galing Cagayan de Oro City para makapanood ng kanilang laro.

“Ganadong-ganado ako kasi first time lang nila makapanood ng live this season. Gusto ko rin talaga magpakitang gilas para sa family ko,” ani Jalalon. - Marivic Awitan