BEIJING (Reuters) – Magsasanay ang China at Russia sa “island seizing” sa kanilang walong araw na naval drills sa South China Sea na magsisimula ngayon, inihayag ng Chinese navy.

Magaganap ang exercises sa panahong matindi ang tensyon sa pinagtatalunang karagatan matapos ang hatol ng isang arbitration court sa The Hague noong Hulyo na walang makasaysayang karapatan ang China sa South China Sea at binatikos ang paninira nito sa kapaligiran doon.

Hindi tinanggap ng China ang desisyon at tumanggi ring makilahok sa pagdinig ng kaso.

Tampok sa “Joint Sea-2016” exercise sa timog ng Guangdong province ng China ang surface ships, submarines, fixed-wing aircraft, ship-borne helicopters at marines, lahad ng Chinese navy sa isang pahayag nitong Linggo sa official microblog nito.

Internasyonal

China, inalmahan maritime laws na pinirmahan ni PBBM

Magsasagawa ang dalawang bansa ng defense, rescue at anti-submarine operations, gayundin ng “island seizing” at iba pang aktibidad, dagdag dito.

Makikilahok ang marines sa live-fire drills, island defense at landing operations sa binansagang pinakamalaking operasyon na magkatuwang na isasagawa ng mga hukbong pandagat ng dalawang bansa.

Inanunsyo ng China na ipinatawag nito ang “routine” naval exercise noong Hulyo, sinabi na layunin ng mga pagsasanay na palakasin ang kooperasyon at hindi pumupuntirya sa alinmang bansa.