NEW YORK (AFP) – Kinansela ni Democratic White House hopeful Hillary Clinton ang kanyang campaign fundraising trip sa California matapos sumama ang kanyang pakiramdam sa 9/11 memorial ceremony nitong Linggo dahil sa pneumonia.
‘’Secretary Clinton will not be traveling to California tomorrow or Tuesday,’’ sabi ni spokesman Nick Merrill, ilang oras matapos biglaang umalis ang 68-anyos na kandidata sa Ground Zero memorial dahil sa dehydration.
Naging abala si Clinton sa nakalipas na anim na linggo sa pagdalo sa tatlong dosenang fundraising events noong Agosto.
Sinamantala ng kalaban niyang si Republican candidate Donald Trump, 70 ang sitwasyon at nagpahayag na may malubhang sakit si Clinton. Ayon kay Trump, ‘’not strong enough to be president’’ si Clinton at kulang sa ‘’mental and physical stamina to take on ISIS’’ jihadists.