celine-copy

NAGING emosyonal si Celine Dion sa pagtatanghal para sa kanyang bagong single na Recovering sa Stand Up to Cancer event nitong nakaraang Biyernes sa Music Center’s Walt Disney Concert Hall sa Los Angeles.

Tungkol sa pagmo-move on sa pagdadalmhati mula sa pagpanaw o pagkawala ng mahal sa buhay ang kanta, na isinulat ni Pink. Inialay ng 48-year-old singer ang kanyang performance para sa asawa na si Rene Angelil, na pumanaw noong Enero dahil sa throat cancer sa edad na 74.

Inialay rin niya ito para sa kanyang 59-year-old na kapatid na si Daniel Dion – na pumanaw din dalawang araw kasunod ng asawa nito dahil sa brain, throat at tongue cancer. At para sa kanyang ama na si Adhemar Dion, na pumanaw noong 2003 sa edad na 80 dahil sa cancer din.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

“I miss René every day and the loss will now be a part of my life,” ani Dion bago ang kanyang nakakaiyak na pagtatanghal, ipinaliwanag din niya kung paano pumanaw ang kanyang ama at kapatid dahil sa naturang karamdaman.

Ibinunyag din niya kung paano napunta sa kanya ang kantang Recovering. 

“A few months ago during my most difficult time of grieving, I received an unexpected gift from an amazing artist that I have always admired – Pink. She offered me a song that expresses power to stand up and stay strong. The most wonderful song is called Recovering,” aniya. 

Sa huling verses ng kanyang awitin, ipinakita ang mga larawan ni Dion na kasama ang kanyang asawa, kapatid at ama. 

Isa ito sa maraming highlights sa fifth annual star-studded special, na sabay-sabay ipinalabas sa CBS, NBC, ABC, at Fox. 

Kasama ang celebrities na sina Krister Wiig, Emma Stone, Tom Hanks, Ben Affleck, Natthew McConaughey, Anna Kendrick, at Ken Jeong sa event. (People.com)