BEIRUT (AFP) – Sunod-sunod na airstrike ang tumama sa mga lugar na hawak ng mga rebelde sa Syria na ikinamatay ng maraming tao, ilang oras matapos aprubahan ng gobyerno sa Damascus ang plano ng US at Russia na itigil ang mga labanan sa bansa.

Hindi pa malinaw kung sino ang nagsagawa ng mga pag-atake sa mga lungsod ng Idlib at Aleppo sa hilaga.

Sinabi ng Syrian Observatory for Human Rights na 58 katao ang namatay sa iba’t ibang pag-atake sa mga pamayanan sa Idlib.

Labindalawang sibilyan naman ang namatay sa mga pag-atake sa Aleppo City, at 18 pa ang nasawi sa mga pambobomba sa ilang bahagi ng lalawigan ng Aleppo, ayon sa Observatory.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina