Mga Laro Ngayon (Philsports Arena)
10 n.u. -- UST vs La Salle
12 n.t. -- Ateneo vs NU

Target na makopo ang back- to- back championship, asam ng Eagles na makaulit sa Bulldogs para mapanatili ang kampeonato. Nagwagi ang Eagles sa 16-25, 25-23, 25-18, 22-25, 15-11 sa opener ng kanilang best-of-three series noong Miyerkules.
Kaya naman mas mabangis na Bulldogs ang inaasahang nakakaharap nila ngayong Game 2.
“We need to play with heart the same way we did in the semis and Game One,” ayon kay Ateneo coach Oliver Almadro.
“But we must be more aggressive in our attacks and work harder on defense.”
Samantala, pararangalan din ngayon ang mga conference top players sa isang simpleng awards rites matapos ang Game 2 ng Finals ayon sa organizer na Sports Vision.
Mauuna rito, magtatangka rin ang University of Santo Tomas na tapusin ang sarili nilang best-of-three series para sa third place kontra La Salle ganap na 10:00 ng umaga.
Inaasahang muling mamumuno sina reigning MVP Marck Espejo, Rex Intal, Joshua Villanueva, Paul Koyfman, skipper Karl Baysa at playmaker Ish Polvorosa para sa Blue Eagles.
Tiyak namang tatatapatan sila at sisikaping mapigilan nina Kim Dayandante ,Bryan Bagunas, Kim Malabunga, Fauzi Ismail, Francis Saura, James Natividad at Madzlan Gampong sa panig ng Bulldogs para ipuwersa ang winner- take-all Game 3. - Marivic Awitan