Arestado ang isang barangay kagawad na umano’y tulak ng ilegal na droga sa buy-bust operation ng mga tauhan ng District Anti-Illegal Drugs (DAID) ng Southern Police District (SPD) sa Pasay City, nitong Sabado ng gabi.

Kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang haharapin ni Jordan Garland y Mantes, alyas “Jordan”, 28, barangay kagawad ng Barangay 43, Zone 6 at residente sa No. 328 Dominga, Manapat Street, Pasay City.

Sa natanggap na ulat ni acting SPD Director Sr. Supt. Tomas Apolinario Jr., dakong 7:45 ng gabi ikinasa ang buy-bust operation laban sa suspek sa harapan ng barangay hall ng Bgy. 43, Zone 6.

Nasa kustodiya na ng SPD ang suspek. (Bella Gamotea)

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon