Limang pagyanig ng bulkan ang naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa Mt. Mayon sa Albay.

Sa pahayag ng Phivolcs, ang naturang mga pagyanig ay naitala sa nakaraang 24 oras, senyales ng pagiging aktibo at patuloy na pag-aalburuto ng bulkan.

Nakitaan ng Phivolcs ng mahinang pagbuga ng puting usok ng bulkan patungong Kanluran-Hilagang Kanluran at Kanluran-Timog Kanluran.

“Sulfur dioxide (SO2) emission was measured at an average of 188.54 tonnes/day on September 6, 2016. Alert level 1 remains in effect over Mayon Volcano, which means that it is at abnormal condition,” babala ng ahensya. - Rommel P. Tabbad
Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji