CABANATUAN CITY – May kabuuan nang 199 ang checkpoint na inilatag ng pinagsanib na puwersa ng pulisya at militar sa Central Luzon kaugnay ng pagdedeklara ni Pangulong Duterte ng state of national emergency.

Bukod dito, inatasan na rin ni Police Regional Office (PRO)-3 Director Senior Supt. Aaron Aquino ang pagpapatrulya sa areas of convergence at vital installations.

Inilagay na rin ni Aquino sa full alert status ang buong hanay ng PRO-3 at kinansela ang mga leave ng mga kawani.

(Light A. Nolasco)
Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito