BALER, Aurora – Nasa 170 tauhan ng 56th Infantry Battalion ng Philippine Army ang sasailalim sa random drug testing.

Ito ang nabatid ng Balita mula kay Army Lt. Col. Lois Villanueva, commander ng 56th IB, sinabing ang sinumang sundalo na magpopositibo sa droga ay agad na sisibakin sa serbisyo at walang makukuhang anumang benepisyo, bagamat tiniyak na idadaan sa tamang proseso ang pagsibak sa tungkulin. (Light A. Nolasco)

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar