Kinumpirma ng pulisya na pansamantalang nakalabas ng kulungan ang gun dealer na nahulihan ng gun parts na umano’y gagamitin sa pagpapatumba kay Pangulong Rodrigo Duterte sa Negros Occidental noong Biyernes.

Sa pamamagitan ng kanyang abogado na si Atty. Leon Moya, nakapagpiyansa si Bryan Ta-ala na umabot sa P120,000 at P80,000 para sa dalawang kaso kaugnay sa paglabag sa RA 10591.

Samantala, inireklamo ng paninipa si Senior Insp. Ariel Artillero, hepe ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) –Negros Occidental, matapos umano niyang tadyakan ang pintuan ng Clerk of Court ng Bacolod Hall of Justice.

Nagalit umano si Artillero dahil wala umanong koordinasyon ang kanyang tauhan na dalhin sa korte si Ta-ala, sa pangunguna ni PO3 Rogelio Arceñas.

National

32 katao naitalang naputukan; FWRI cases sa bansa, pumalo na sa 101!

Kinukuwestyon ni Artillero ang kawalan ng court order na madala sa Hall of Justice si Ta-ala upang makapagpiyansa.

Matatandaang noong Agosto 6, nadakip sina Ta-ala at Wilford Palma matapos makuha ang balikbayan box mula sa Amerika na na-monitor ng Bureau of Customs na naglalaman ng gun parts na nagkakahalaga ng P4.5 milyon.

Ang planong pagpatay kay Pangulong Duterte ay isinawalat ni Palma kay Philippine National Police (PNP) chief Director General Ronald Dela Rosa. - Fer Taboy